San Carlos, Pangasinan -- Nahulihan ng umano'y iligal na droga at hand grenade ang dalawang indibidwal sakay ng isang motorized tricycle sa Brgy. Guelew nitong Sabado.

Ayon sa ulat ni Lt. Col. Luis Ventura, chief of police, naaresto sa oplan sita ang mga suspek na sina Orly Poquiz, driver, residente ng Brgy. Caingal at Jerry Cabugao, residente naman ng Brgy. PNR Site.

Nang dumaan sa checkpoint si Poquiz dakong 5:30 ng hapon, hiningan ito ng lisensya ngunit biglang nahulog mula sa kanyang belt bag ang isang heat sealed transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu. Nakuha rin sa kanya ang isang hand grenade.

Narekober din ang dalawa pang heat sealed transparent plastic ng hinihinalang shabu sa kasamahan nito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang mga nakumpiskang umano'y shabu ay may tinbang na humigit-kumulang 0.32 gramo. 

Agad ding dinala sa police station ang mga suspek at posibleng humarap sa kasong paglabag sa  RA 9165 (Oplan Sita) at RA 9516.