Nagpahayag ng suporta ang Department of Health (DOH) sa pagpapalawig ng work-from-home (WFH) arrangement sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.
Idinahilan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, napatunayang kapaki-pakinabang ang WFH setup at nakatulong din ito upang masugpo ang paglaganap ng Covid-19 at iba pang sakit sa Pilipinas.
"Marami na pong pag-aaral all over the world na lumabas na marami ang nagbenepisyo sa mga work-from-home arrangements," lahad ni Vergeire.
"Hindi lamang po benepisyo ng ating mga businesses o benepisyo ng ating mga employers pero benepisyo individually," aniya.
Inilabas ni Vergeire ang pahayag matapos tanungin hinggil sa debate sa pagpapatuloy ng WFH arrangement sa IT-Business Process Management (BPM) sector na pansamantalang ipinatupad sa kasagsagan ng pandemya.
Matatandaangpinalawig ng pamahalaan sa 70-30 o 70 porsyentong onsite at 30 porsyentong WFH para sa IT-BPM sector hanggang Disyembre 31 matapos i-extend ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang state of calamity dahil sa Covid-19 hanggang sa matapos ang 2022.
Binigyang-diin ni Vergeire na nakabubuti rin ito sa work-life balance ng mga empleyado.
"Lumalabas po sa mga pag-aaral ngayon na itong work-from-home arrangements have helped our individuals to do this na magkaroon ng mas balanse mentally, physically and they have more parang drive to work," anito.
"Working from home also prevents the spread of coronavirus and other diseases.So, kung kaya naman po magtrabaho sa bahay ang ating mga employees at pinapayagan naman at ito naman po ay makakapag-deliver ng the same output as what they have when they are physically present, the DOH is all for this," dagdag pa ni Vergeire.