May entry na ba ang lahat?

Tagisan ng husay sa pagiging malikhain ang hatid ng mga mag-aaral mula sa St. Joseph Academy of Sariaya, Quezon (SJASQ) na kumasa sa #NOBAGDAY.

Aliw ang hatid sa netizens ng Facebook post ng Supreme Student Government (SSG) ng SJASQ, na kung saan ipinakita dito ang entry ng mga estudyante mula sa senior high school department sa kung anong dadalhin nila upang ipanghalili sa regular na school bag.

"This week started with something new and interesting as Josephinians and Mission Partners participated in the challenge that showcased their creativity and uniqueness. As a part of the season of creation celebration, Josephinians brought unusual bags to carry their books, portfolios, and food," pahayag ng SSG - SJASQ.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Ang ilang estudyante ay nag-ala "Daniela" mula sa palabas na "Kadenang Ginto" matapos magdala ng maleta.

Huli rin ng mga mag-aaral ang kiliti ng netizens sa pagdadala ng microwave oven, ice cooler, paper bags, kaldero, at unan.

Hindi rin nagpahuli ang mga nagdala maging ng basyo ng beer case, storage box, at rice cooker.

Ang ilan ay animo'y mananabong sa pagdala ng lagayan ng manok.

"The Season of Creation's main purpose is for humankind to celebrate God's wonderful gift of creation which is all around us, with the hope that as we celebrate, we will also be reminded to take good care of it, of Mother Earth, our world which is our only home. “Sister Mother Earth," as St. Francis of Assisi calls her, our world. Anything can be something when we sprinkle a little of our creativity on it," anang student council.