Nakalusot na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Jesus Crispin Remulla bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Bago kinumpirma ng CA ang appointment ni Remulla, inusisa muna ito sa kaso ni dating Senator Leila de Lima at tinanong din ito kung ano ang pananaw nito saPresidential Commission on Good Government (PCGG) nia inatasang bawiin ang umano'y ill-gotten wealth ng pamilya niPresident Ferdinand Marcos, Jr..

Ipinagpaliban naman ang kumpirmasyon ni Labor SecretaryBienvenido Laguesma upang mabigyan ito ng pagkakataong matugunan ang mga tanong ng mga mambabatas dahil sa alegasyong isa itong "union buster."

Inilatag naman ni Remulla ang panukala niyang palawakin ang saklaw ng mandato ng PCGG, hindi lang sapamilyaMarcos.

Binigyang-diin nito na ang mungkahing i-abolish o lusawin ang ahensya ay kinakailangang dumaan muna sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

"Ang PCGG ay isang parte ng gobyerno na binabanggit sa transitory provisions ng ating Saligang Batas. Kaya ng abolisyon nito ay kailangan talaga ang dalawang Kamara ay magkasundo, kung ito ay tapusin na ang buhay ng PCGG," tugon nito sa pag-usisa sa kanya ni Senator Risa Hontiveros.

"Kaya ang suggestion ko na ito ay gawing fitted assets management office kasi dito nasanay ang PCGG, para makinabang tayo sa karanasan ng PCGG sa pag-handle ng ganitong mga assets," lahad nito.

Kaugnay nito, tiniyak naman nito ang mabilisang paglilitis sa kaso ni De Lima na nakakulong pa rin sa kasong may kinalaman umano sa iligal na droga sa National Bilibid Prisons.