Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na delikado at ilegal ang pagbebenta ng kidney at iba pang internal organs, ito ay matapos mag-viral sa social media ang mga meme na "kidney for iPhone."

Ikinabahala rin ng DOH ang mga post tungkol sa online na pagbebenta ng mga internal organs.

“Gusto ko lang ipaalala sa ating mga kababayan, huwag na huwag ninyong gagawin na pumapasok kayo doon sa mga grupong nagbebenta ng kanilang lamang loob,” ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Matatandaan na nitong Huwebes, Setyembre 8, inilabas ng Apple ang pinakabagong iPhone 14 bilang “most innovative pro lineup yet.”

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Kaugnay na balita: Bardagulan nga ba? Isang sikat na phone brand, may pasaring nga ba sa kalaban?

Bida naman sa bagong iPhone 14 ang “emergency SOS via satellite feature,” na nagpapahintulot sa mga user na magtatag ng koneksyon sa isang satellite upang magpadala ng mga text mula sa malalayong lokasyon.

Ayon sa website ng Apple, pumapalo sa P57,000 hanggang P71,000 ang presyo ng bagong modelo.

Matapos ang anunsyo ng Apple, lumitaw sa social media ang iba't ibang posts na ginagawang katatawanan o memes ang umano'y pagbebenta ng laman para sa cellphones.

Giit pa ni Vergeire, hindi kaso ang sinasabi ng ilang mga medikal na eksperto na ang isang tao ay maaaring mabuhay sa isang bato.

Aniya, "Once your kidney is ripped meron din ‘yang kaakibat na risk for you, you go through an operation para tanggalin, pagkatapos, iinom ka na rin ng gamot for you to maintain para napo-proseso at naiaayos ang katawan mo because you removed one of your kidneys."

Idinagdag ni Vergeire na patuloy na babantayan ng DOH ang isyu at iimbestigahan ito ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation para matukoy ang mga indibidwal na nagpapakalat ng mga post.