Inaprubahan na ng Commission on Appointments (CA) nitong Miyerkules ang pagkakatalaga ni Benhur Abalos bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ito ay matapos magharap ng mosyon si CA Majority Leader Luis Raymund Villafuerte, Jr. na nagrerekomenda na aprubahan ang appointment ni Abalos.
“There is a motion to recommend to plenary the approval of the ad interim appointment of Secretary Benhur Abalos, duly seconded, there being no objection, the same is hereby approved,” paliwanag ni committee chairperson Senator Francis Escudero.
Sa isinagawang deliberasyon, tinanong si Abalos hinggil sa devolution transition, human right sa anti-drug operations, problema sa bilangguan at iba pa.
Matatandaangitinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Abalos sa puwesto nitong Mayo kasunod ng pagbitiw nito bilang chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA) noong Pebrero upang pamunuan ang campaign team ni Marcos.