Mag-aangkat na rin ng asin ang gobyerno dahil na rin kakapusan umano ng suplay nito.
Ito ang isinapubliko ni Department of Agriculture (DA) Secretary Domingo Panganiban sa interview sa kanya sa telebisyon nitong Miyerkules.
“Ang asin talagang nag-iimport tayo diyan. We have₱100 million to start for this season. And we hope and anticipate that we should be able to do something about it,” anito.
Isinisi ni Panganiban ang ilang taong kapabayaan sa industriya at saBureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Hindi pa rin aniya nagagamit ngBFAR ang₱100 budget nito para 2021 upang mapatatag sana ang produksyon ng asin sa bansa.
“Sa katunayan nga mayroong ₱100 million pa sila ng 2021 na naka-program sa kanila pero hindi pa na-release sa kanila at na-follow up," sabi pa ng opisyal.