Nais pang palawigin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ipinatutupad na state of calamity sa bansa bunsod ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, plano ni Marcos na pahabain pa ito hanggang Disyembre ng taon.
"We recommended and a full council meeting was held last Monday where we already resolved that the recommendations will be submitted already to the President," ayon sa pahayag niDOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Miyerkules.
Nakatakdang matapos ang state of calamity sa Setyembre 12.
Kapag natapos na ang state of calamity, mahihinto na rin ang pagpapatupad ng emergency procurement ng gobyerno,tax exemptions para sa mga donor, price control para sa Covid-19 drugs at testing kits, at mga benepisyo ng mga healthcare workers.
Nilinaw ni Vergeire, pinag-aaralan ni Marcos na amyendahan ang Covid-19 Vaccination Act of 2021 bilang "pantakip" sa pagtatapos ng state of calamity.
Gayunman, sinabi ni Vergeire na hindi ito uubra dahil kulang na sa panahon.
Sa datos ng DOH nitong Martes, umabot na sa 3,894,840 ang kaso ng Covid-19 sa bansa, kabilang na ang aktibong kasong nasa 23,272.