Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na susuportahan at poproteksyunan ang mga "bagong bayani" ng bansa.

Kabilang sa mga tinutukoy ni Marcos ang mga overseas Filipino worker, guro, health worker at iba pa.

“Pangarap ko sa ating mga bagong bayani. Pangarap ko mabigyan sila ng kaukulang importansya,supporta, at proteksyon para maisagawa pa nila at mapagpatuloy ang mga piniling misyon,” sabi ni Marcos sa isang vlog.

Aniya, napakahalaga ang naging ambag ng mga OFW sa bansa, lalo na sa panahon ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

“Hindi biro ang sakripisyo at katatagangt ipinakita nila para ilaban ang kanilang hanapbuhay sa ibang bansa,” paliwanagng Pangulo.

Pinahalagahan din nito ang mga guro sa gitna ng pagbabalik ng face-to-face classes matapos ang halos dalawang taon.

“Naging maganda ang preparation ng mga eskwelahan and implementasyon ng health protocols. Lahat 'yan ay kasama na sa ginagampanan ng ating bayaning guro,” dugtong pa ni Marcos.