Nilinaw ng Department of Education (DepEd) ang kanilang Department Order No. 37 kaugnay ng panuntunan sa pagsususpinde ng klase habang bumabagyo.
Sa pahayag ng DepEd, hindi pa epektibo ang naturang kautusan dahil hindi pa umano ito naihaharap sa Office of the National Administrative Registrar (ONAR) ng University of the Philippines Law Center upang mapirmahan.
Depensa ng ahensya, isinapubliko nilaang nasabing DO bilang advance copy sa website ng kagawaran na mayroon lamang electronic signature.
Pagbibigay-diin ng ahensya, natalakay na ang nasabing Department Order sa huling pagpupulong ng mga miyembro ngGabinete kamakailan.
Tatanggalin muna ng DepEd ang naturang kautusan sa kanilang website at ilalathala na lang kapag naayos ba ang usapin.
Binabanggit ng DO, automatic na kanselado ang klase sa mga pampublikong paaralan kung ang local government unit ay nasa Signal No. 1 pataas.