Isasara na ng gobyerno ang broadcast company na IBC-13 sa Enero 2023 matapos hindi mabigyan ng budget ng mga kongresista.

Ito ang isinapubliko ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Biyernes.

Gayunman, sinabi nito kung mayroong sasako o magpopondo sa operasyon ng IBC-13 ay posibleng hindi matuloy ang pagpapasara nito.

Aniya, hindi binigyan ng Kamara ng badyet ang IBC-13 para sana sa operasyon nito sa susunod na taon.

Umabot aniya sa ₱1.2 bilyon ang badyet ng Office of the Press Secretary para sa 2023, gayunman, walang bahagi ng pondo ang mapupunta sa nabanggit na istasyon n telebisyon.

Sinabi ni Angeles na sinubukan niyang padagdagan ihirit ang badyet ng IBC-13, gayunman, walang ibinigay ang mga miyembro ngHouse Appropriations Committee nitong Biyernes.

"Sa IBC po ito po makikita na natin na humingi kami sa personnel services, MOOE(maintenance and other operating expenses)at capital outlay para maituloy natin ang pag-broadcast ng IBC pero na-zero na po sila completely," she said.

"Meron kaming konting apela. Kung hindi po malagyan ang IBC, mawawalan po ng trabaho 'yung ating workers at by January close operation na po tayo."

Ang iba pang attached agency ng OPS na kinabibilangan ngPTV, IBC, Apo Production Unit, National Printing Office (NPO), News and Information Bureau (NIB), at Bureau of Broadcast Services (BBS) ay nakakuha ng pinag-isang badyet na₱748.335 milyon.