'We keep this love in a photograph'

Na-miss mo na rin ba ang "old times" na kung saan ay kumukuha kayo ng larawan ng mga mahal mo sa buhay at pinapa-print ito? Ito ang hatid ng isang traditional photographer sa isang parke matapos mag-alok na kumuha ng larawan kasama na rin ang print nito sa halagang P100 lamang.

Sa Facebook post ng isang netizen na si Rafaella Sta Ana, sinabi nito na ang alok ng photographer na si Lolo Celde Salvacion ay tatlong larawan kasama print ay nagkakahalagang P100 lamang.

Pagbabahagi ni Sta Ana, dinala niya ang kanyang mga pamangkin sa isang parke upang magpahangin at maglakad-lakad nang nilapitan sila ni Lolo Celde at tanungin kung nais daw ba nila magpakuha ng litrato.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

"Seeing him, Super tanda na ni lolo. Kaya G!!! Sabi niya araw araw siyang nasa park para mag bakasakali na makapag-income pa siya. Grabe medj naawa ako ksi promise tanda na ni lolo," ani Sta Ana.

Dagdag pa niya, sobrang bait ni Lolo Celde dahil mahinahon nitong inantay na magpakabait ang mga kasama niyang bata bago sila kuhaan ng larawan.

"Super bilis lang, 3 shots tapos papaprint niya lang ng saglit. In my case kanina, nag bayad nako agad, tas hinintay lang namin sya while lakad lakad, bumalik naman siya agad Wala pong cp si lolo, kaya abangan nyo nalang sya. Sa may perfect image lang naman sya nagpapaprint," pagku-kwento ni Sta Ana.

Lalo pa siyang na-touch sa ngiti ni Lolo Celde nang iabot na nito ang mga litrato at nang sinabihan sila na bumalik sila sa parke para umulit.

"Kaya guys, if nasa Gensan Plaza/Park kayo na area, baka bet niyo rin magpapic kay LOLO CELDE SALVACION, ganda ng quality ng prints nya. 3 big photo prints na yan 100 lang! Matutulungan and mapapasaya niyo pa si lolo PS marami po silang mga traditional photographers sa park, sana mas marami pang magpapicture sa kanilang lahat," paghihikayat ni Sta Ana.