LF: Taong antukin
Aliw ang hatid ng isang mattress brand matapos mag-hire ito ng mga tao na ang magiging trabaho ay walang iba kundi matulog lamang.
Kapag ang pagtulog sa trabaho ay isang kinakailangan, alam mong naka-jackpot ka na. Iyan ang trabahong binuksan ng "Casper," isang kompanyang nakabase sa New York, na naghanap ng mga tao magta-trabaho bilang "Casper Sleepers."
"Get paid to sleep. No, really. We’re hiring. #CasperSleepers," ayon sa post ng Casper noong Agosto 9.
Sa kasamaang palad, sarado na ang kanilang job application dahil hanggang Agosto 11 lamang bukas ito.
Ang hinahanap nilang tao ay dapat magkaroon ng isang pambihirang kakayahan sa pagtulog, may pagnanais na matulog hangga't maaari, at siyempre, ang kakayahang matulog sa anumang bagay.
Samantala, magkakaroon ng ilang trabaho na kinakailangan kapag gising ang mga empleyado. Ibig sabihin, kakailanganin nilang lumikha ng social media contents na nagbabahagi ng kanilang karanasan bilang isang propesyonal na natutulog.
Bukod sa bayad na trabaho sa pagtulong, ang maha-hire na empleyado ay bibigyan ng mga importanteng kagamitan tulad ng pajama pamasok.
Dagdag pa dito, mae-enjoy niya rin ang libreng mga produkto ng Casper at ang flexible part-time na schedule.