Camp Olivas, San Fernando, Pampanga -- Inaresto ng awtoridad ang pitong drug peddlers sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations sa Bataan at Pampanga noong Agosto 3. 

Nagsagawa ng anti-illegal drug operation si Police Regional Office 3 Director Brigadier General Matthew P. Baccy ng Orion Police kasama ang 1st Provincial Mobile Force Company Bataan Police Provincial Office at iba pang law enforcement unit sa Brgy. Villa Angeles, Orion, Bataan.

Naaresto ang mga suspek na sina John Kevin Manla, 30; Jayson Paguio, 24; Jerry Monla, 54; Mateo Aquino, 24; at Jiezl Angeles, 29.

Nasamsam sa kanila ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 50 grams na nagkakahalagang P400,000 at nasamsam din ang  isang magazine na naglalaman ng pitong live ammunition para sa .45 at .22 caliber na baril.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, dalawa naman ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng Mabalacat Police sa Brgy. Dau, Mabalacat City Pampanga.

Kinilala ang mga suspek na sina Jemimah Datu, 31, residente ng Mabalacat City, at Saddam Bertudan, 27, residente ng Angeles City.

Nasa P884,000 ang halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa kanila. 

Sasampahan ng mga kasong paglabag sa RA 10591 section 11, 12 , at 13 at RA 9165 ang mga suspek.