Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, Agosto 2.

Dakong 12:01 ng madaling araw ng Martes, ipatutupad ng Caltex ang dagdag na ₱0.75 sa presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.

Magbabawas din ito ng ₱0.60 sa presyo ng kada litro ng diesel at ₱0.75 naman ang ibabawas sa bawat litro ng kerosene.

Sinabi naman ng Shell at7 SeaOil na pagsapit ng 6:00 ng umaga, papatungan nila ng ₱0.75 ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina habang babawasan naman ng ₱0.60 at ₱0.75 ang presyo ng bawat litro ng diesel at kerosene, ayon sa pagkakasunod.

Inanunsyo naman ng Petro Gazz na magpapairal sila ng dagdag na ₱0.75 sa presyo ng kada litro ng gasolina at bawas naman na ₱0.60 sa diesel.

Dagdag naman na ₱0.75 ang ipatutupad sa presyo ng kada litro ng gasolina ng Cleanfuel at bawas na ₱0.60 sa per liter ng diesel.

Ang price adjustment ay bunsod lamang ng paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado kamakailan.