Binalaan ni DSWD Secretary Erwin Tulfo ang mga opisyal ng provincial office sa Abra na masisibak sa puwesto kung hindi pa rin mahatiran ng relief goods ang lahat ng apektadong residente hanggang sa Linggo, Hulyo 31.

Nabasa aniya nito sa social media ang hinaing ng ilang residente na ilang araw nang walang makain.

"Kinausap ko 'yung provincial officer na 'wag nang ipagpabukas pa at magbigay na. Sabi ko kapag ako ay bumaba pa at maabutan ko na isang bayan ang hindi nahahatiran ng tulong, sinabi ko na baka wala kayong trabaho sa Lunes," anito.

Dapat na aniyang maipamamhagi na lahat sa mga apektadong residente ang ayuda sa oras na maibaba nila ito sa mga lokal na pamahalaan.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Gayunman, may iba't ibang problema rin umano ang ibang lokal na pamahalaan, gaya ng mga sasakyan at tauhan kaya' t pahirapang mahatiran ng tulong ang mga nakatira sa mga liblib na lugar.