May kakaibang pakulo ang plant store owners ng C&K's Garden na sina Carlos Gonzales at Kenneth Santiago na nag-aalok ng libreng halaman sa pamamagitan ng community "plantree" kapalit ang donasyon na school supplies, na siya naman nilang ibabahagi sa mga paaralan sa Cavite.

Sinimulan nila ang proyekto nakaraang taon sa kasasagsagan ng Covid-19 upang maibsan ang stress ng mga Caviteño mula sa pandemya.

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Ngayong taon naman, nakalinya sa temang "Libreng halaman para sa kalikasan, lapis at para sa kabataan," ang community pantree na ito ay naglalayong makatulong sa lumalalang climate change gayundin ay tulungan ang mga mag-aaral sa lalawigan ng Cavite na magkaroon ng mga kagamitang pampaaralan.

Upang mas marami pang makinabang sa proyektong ito, nakipagtulungan ang C&K's Garden sa Lions Club at maging kay Cavite City Mayor Denver Chua.

"Alam naman po natin na malaking tulong ang halaman sa ating kapaligiran kapag tayo ay nagtanim at mababawasan ang climate change at isa ito sa mga adhikain ng aming Garden. Ang pagtatanim ay makakatulong din physically dahil ikaw ay na eexercise habang isinasagawa ito at isa pa mentally, dahil sa pandemic magkakaroon ka ng libangan at ikakasaya mo ito," pagbabahagi ni Gonzales.

"Sa taong ito nais namin dagdagan ang proyektong ito, dahil alam naman natin na paparating na ang face to face class. Balak namin magbigay sa mga batang estudyante ng libreng school supplies," dagdag pa niya.

Target nila na mapagkalooban ng school supplies ang 300 na mag-aaral sa bawat paaralan, mapa-elementarya man o sekondarya.

Sa ngayon, tinatayang umabot na sa 1,353 mga estudyante ang nabahaginan ng mga gamit pampaaralan mula sa proyekton ito.