Dalawang mapalad na mananaya ang maghahati sa mahigit ₱23 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi.

Sa paabiso ng PCSO nitong Linggo, nabatid na matagumpay na nahulaan ng mga lucky winners ang six-digit winning combination ng Lotto 6/42 na 17-11-23-21-05-25 kaya’t napanalunan nila ang jackpot prize na ₱23,061,318.00

Nabatid na ang mga lucky tickets ay nabili ng mga masuwerteng mananaya sa Marikina City at Antipolo City sa Rizal.

Samantala, mayroon rin namang 111 bettors ang nakapag-uwi ng tig-₱24,000.00 na second prize para sa tig-limang tamang numero; 3,778 ang nakapag-uwi ng tig-₱800.00 na third prize para sa tig-apat na tamang numero at 43,040 ang nakapagpalit-taya o nanalo ng ₱20.00 na fourth prize para sa tig-tatlong tamang numero.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Upang makuha ang kanilang premyo, maaaring magtungo ang mga lucky winners sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanilang lucky tickets.

Kailangan rin umano ng mga ito na magpakita ng dalawang balidong identification cards para sa kanilang pagkakakilanlan.

Hinikayat rin naman ng PCSO ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang mga palaro upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa mga nangangailangan.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.