Buong pusong tinanggap ng blogger-journalist na si Sass Sasot ang public apology ni Jover Laurio, ang blogger na nasa likod ng "Pinoy Ako Blog", matapos nitong humingi ng paumanhin sa kaniya sa paratang na isa siyang "prostitute" noong 2017.
Naging daan ito upang magsampa ng kasong libelo si Sasot laban kay Laurio.
Ibinahagi ni Sasot sa kaniyang Facebook post, Hulyo 19, ang screengrab ng public apology ni Laurio sa pamamagitan ng tweet nito sa kaparehong araw.
"First of all, I would like to extend my gratitude to the Honorable Judge Jaime Santiago whose wisdom guided us all throughout the libel case I filed versus Ms Jover Laurio," ani Sasot.
"Judge Santiago's sagacity helped us reach a closure to this case. When faced between the way of grace and the way of ego, one must always choose the one that would make us #KeepAscending."
"I am accepting Ms Laurio's apology and I wish her all the best in life and a bright future for her child."
Narito naman ang buong teksto ng public apology ni Laurio:
“Gusto kong humingi ng tawad sa blog posts na ginawa ko last Jan. 5 and 6, 2017. Nagpahiwatig ako na ikaw ay isang prostitute sa Netherlands, kahit wala akong matibay na basehan sa pagsabi nito."
“Ngayon alam kong hindi ito totoo. Humihingi din ako ng tawad sa lahat ng sakit, kahihiyan, at anumang pagdurusang naranasan mo dulot ng pagsulat ko ng post na yun."
"Gusto ko ring humingi ng tawad sa pamilya mo. Lalo na sa Mama mo, kay Ma'am Melba Sasot. Alam ko na sa bawat sakit na nararamdaman ng anak mas doble pagdating sa ina nila."
“Sana mapatawad mo ako sa lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa post na iyon. I’ve learned from my mistake and I promise that this will not happen again."
Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/20/pinoy-ako-blog-blogger-na-si-jover-laurio-nag-public-apology-kay-sass-sasot/">https://balita.net.ph/2022/07/20/pinoy-ako-blog-blogger-na-si-jover-laurio-nag-public-apology-kay-sass-sasot/