Inatasan na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) na makipagtulungansa Bureau of Customs (BOC) at Kongreso upang masugpo ang pagpupuslit ng gulay at iligal na pag-aangkat ng iba pang agricultural products.

Naiulat na inilabas ni Marcos ang kanyang direktiba sa isinagawang pagpupulong sa central office ng ahensya sa Quezon City kamakailan.

“On the issue of vegetable smuggling and illegal importation of otheragricultureproducts, the President also directed that the country’s system of importation should be fixed in coordination with the Bureau of Customs, the House of Representatives, and the Senate,” ayon sa pahayag ng DA.

“We need an immediate plan to ensure that our food supply and the food prices are within reach of ordinary Filipinos from now until the end of the year,” pahayag pa ng Pangulo na isinapubliko ng DA.

Nitong nakaraang buwan, tiniyak ng BOC na nakikipagtulungan na sila sa DA upang matanggal ang lahat ng smuggled items sa merkado.

Nauna nang inihayag ni BOC spokesperson Vincent Philip Maronilla na nagpadala na sila ng mga tauhan sa mga pamilihan, katulong ang mga tauhan ng DA, upang galugarin ang mga imported agricultural products na ipinupuslit sa bansa.

Sa datos ng gobyerno, aabot na sa P1.99 bilyong puslit na agricultural products ang nasamsam ng BOC mula 2019.