Tatanggalin na sa listahan ngPantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)ang mahigit sa 1.3 milyong benepisyaryo na hindi masasabing mahihirap.
Sa isang panayam, binanggit ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, aabot sa 1.3 milyon sa kabuuang 4.4M ang natuklasang hindi "kwalipikadong mabigyan ng pinansyal na tulong ng gobyerno."
Sinabi ng kalihim, aabot sa₱15 bilyon ang matitipid sa pagkakatanggal sa listahan ng nasabing bilang at ibibigay na lamang ang pondo sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Ipinaliwanag pa ni Tulfo na magbibigay sila ng sapat na panahon upang mai-surrender ng mga hindi kwalipikadong benepisyaryo ang kanilang account.
Nauna nang idinipensa ng kalihim ang hakbang na alinsunod sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..
Matatandaang sinabi ni Tulfo na nagulat si Marcos sa laki ng bilang ng mga benepisyaryong matatanggal sa programa.