Hindi na nakaligtas ang isang mine development supervisor matapos matabunan ng gumuhong minahang pag-aari ng Philex Mining Corporation sa Tuba, Benguet nitong Biyernes, Hulyo 15.
Isinugod pa sa ospital si Danny Bunnag Dammit, 41, gayunman, idineklara na itong dead on arrival.
Nakaligtas naman sa insidente ang kasamahan nitong nagtatrabaho sa minahan na si Vergel Moguiyeng.
Sa imbestigasyon ng pulisya, abala sa pagtatrabaho sina Dammit atMoguiyengsa loob ng minahan nang biglang gumuho ang malalaking tipak ng bato.
Dahil sa pagkabigla ni Dammit, hindi na ito nakaalis sa lugar habang si Moguiyengay nakatakbo sa labas ng minahan.
Hinihintay pa ng pulisya ang pamilya ni Dammit kung maghaharap ito ng kaukulang kaso laban sa kumpanya ng minahan.
Matatandaang umabot sa 20 minero ang natabunan nang buhay matapos gumuho ang isang minahan sa Brgy. Ucab, Itogon, Benguet sa kasagsagan ng bagyong 'Ompong' noong Setyembre 2018.