Nagpahayag ng pangamba ang World Health Organization (WHO) dahil posibleng magkaroon ng panibagong coronavirus disease 2019 (Covid-19) wave infections sa buong mundo.

Ayon kay WHO-Technical Lead Officer for Covid-19 Dr. Maria Van Kerkhove, binabantayan pa rin nila ang patuloy na pagdami ng BA.5 sublineage ng Omicron sa buong mundo.

“We do see BA.5 has a growth advantage which has to do with transmissibility and immune escape. So it’s transmitting more efficiently, it’s the most transmissible variant we’ve seen of SARS-COV-2. But I do want to warn people out there that the next variant I talk about will be more transmissible than the last because it has to outcompete whatever is circulating,” ayon kay Kerkhove.

Apela ni Kerkhove sa mga indibidwal na madaling kapitan ng sakit, magpa-booster shots na laban sa virus, kasama na rin ang mga miyembro ng kanilang pamilya.

Sa Pilipinas, patuloy namang kinukumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagtukoy ng BA.5 subvariant sa pamamagitan ng mga samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center.

“Based sa ating sequencing results, most of results from previous 2 runs, BA.5 na ang mas marami. I can say that BA.5 is more [dominant] than BA.2.12.1 in the country,” sabi naman ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Nauna nang nagpahayag ang ahensya na posibleng magkaroon muli ng isa pang bugso ng hawaan sa bansa at pinagbatayan ang naitatalang average daily attack rate at healthcare utilization rates.