Nabigo ang beauty queen na si Michele Angela Okol ng Surigao del Norte na makapasa sa Miss Philippines Earth Top 20 ngayong taon, dahil na-disqualify siya dahil sa height standards ng pageant.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Okol na sinabihan siya na hindi akma ang height niya sa standards ng pageant nila at maba-bash umano ang organisasyon nila kung hahayaan nilang makapasok sa Top 20 ang isang taong mababa sa 5'4, kaya't nagiging grounds ito para sa disqualification .

"Many have been sending messages and well wishes regarding the Top 20 announcement for Miss Philippines Earth tomorrow. However, I, unfortunately, have to tell you all that I will no longer be able to push through with this journey," ani Okol.

National

VP Sara, nahainan na ng subpoena ng NBI

"Had we been measured earlier on and that this was the case, it would have been much easier to figure out what to do since we’ve already prepared all that was sent as requirements for both our online and face-to-face competition," dagdag pa niya.

Gayunpaman, walang pinanghahawakan si Okol laban sa mga environmental advocacies at queens ng Miss Philippines Earth, at nagpapasalamat pa rin siya sa pagkakataong ibinigay sa kanya.

"To all the Surigaonons and my supporters, this is not the end. After all, when one door closes, another one opens—Salamat karajaw sa ijo suporta," ani ng beauty queen.

Matatandaan na sumali rin si Okol sa Miss Universe Philippines pageant noong 2021, kung saan kinatawan niya ang Siargao Island.