Tuloy pa rin sa kanyang trabaho si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kahit tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) kamakailan.
Ipinaliwanag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Linggo, maginhawa ang pakiramdam ng Pangulo at nagbibigay pa rin ng mga direktiba sa mga miyembro ng Gabinete nito kahit sumasailalim ito sa pitong araw na self-isolation sa kanyang bahay.
Nitong Sabado aniya, bumisita kay Marcos ang doktor nito na si Samuel Zacate na nagsabing nakararanas lamang ang Pangulo ng bahagyang sintomas at walang lagnat, hindi nawalan ng pansala at pang-amoy.
“His personal doctor, Dr. Zacate, reported Saturday that the President is doing well and very much in stable condition,” ani Angeles.
Hindi aniya nakitaan ng anumang pamamaga ng lalamunan ang punong ehekutibo at wala rin umanong palatandaan na mayroong itong pneumonia.
Matatandaangnatuklasang nagpositibo sa sakit si Marcos nitong Hulyo 8 matapos sumailalim sa antigen test.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nahawaan ng virus si Marcos. Tinamaan na ito ng sakit noong 2020 na kasagsagan ng pandemya sa bansa.
PNA