Nag-alay ng panalangin si Vice President Sara Duterte-Carpio para sa mabilis na paggaling ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nahawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Naiulat na bahagyang nilagnat si Marcos nang matuklasang nagpositibo ito sa virus batay na rin sa resulta g kanyang antigen test.

"I offer my earnest prayers for the fast recovery of President Ferdinand Marcos Jr. who tested positive for COVID-19.May God continue to bless him with good health as he leads the country. Daghang salamat," sabi ni Duterte-Carpio.

Nauna nang inihayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kailangan ni Marcos na sumailalim sa 7-day self-isolation at desisyon na rin ng doktor ng Pangulo kung isasailalim pa ito sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test.

"After that, if his symptoms have been resolved already, he may be able to get back to work and have his face-to-face activities," ani Vergeire.

Nitong Biyernes, kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nagpositibo sa Covid-19 si Marcos.