Nakahanda na ang gobyerno na ituloy ang pamamahagi ng subsidiya sa sektor ng transportasyon at agrikultura sa gitna na rin ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
"We will continue for as long as the price of oil is elevated, we will continue to provide subsidy to jeepney drivers and operators, subsidy to farmers and fisherfolk," pahayag ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno kasunod na rin ng unang pagpupulong ng economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. nitong Biyernes.
Gayunman, inaasahan ni Diokno na tatatag na ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na taon.
"The assumption for the price of Dubai crude oil is set at 70-90 US dollars per barrel for 2024-2028, as oil supply is expected to stabilize," reaksyon naman ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman.
Nauna nang inihayag ng DBM nakapagpalabasna sila ng₱3 bilyon para sa pagpapatupad ng fuel subsidy program ng Department of Transportation (DOTr) at isa pang P7 bilyon para naman sa kanilang programang "Libreng Sakay."
Kamakailan, naglabas din ang DBM ng₱6.2 bilyon para sa unang bugso ng cash transfer program at₱500 milyon pa para naman sa agricultural fuel discounts.
Sinabi ni Pangandaman na wala pa silang natatanggap na kahilingan mula sa DOTr para sa pagpapatuloy ng programa.