Ayon sa Department of Health (DOH), pumalo na sa 51,622 ang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hunyo 18, 2022 — 58% na mas mataas kumpara sa 32,610 na naiulat na mga kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Karamihan sa mga kaso ng dengue ay naiulat sa Central Luzon na may 6,641 o 13%; Central Visayas, 6,361 o 12%; at Zamboanga Peninsula, 4,767 o siyam na porsyento.

Para sa panahon ng Mayo 8 hanggang Hunyo 18, humigit-kumulang 13,075 kaso ang naitala.

Kung titignan ang tally, 1,826 o 14% ay mula sa Central Luzon; 1,570 o 12% mula sa Central Visayas; at 1,175 o siyam na porsyento ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang pagtaas ng trend sa parehong panahon ay nakita din sa Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at CAR.

Labinlima sa 17 Rehiyon – Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, BARMM, CAR, at National Capital Region – ang lumampas ang alerto/epidemic threshold sa nakalipas na apat na linggo.

May kabuuang 239 na pagkamatay dahil sa dengue ang naiulat sa buong bansa - 40 noong Enero; 37 noong Pebrero; 34 noong Marso; 47 noong Abril; 62 noong Mayo; at 19 noong Hunyo.

Paalala ng DOH, para sa preventive and control actions, ang publiko ay pinapaalalahanan na patuloy na obserbahan at isagawa ang mga sumusunod na 4S strategies: search and destroy breeding places; ligtas na proteksyon sa sarili; humingi ng maagang konsultasyon; at suportahan ang fogging o pag-spray sa mga hotspot areas.

Samantala, ayon sa dating presidente ng grupo ng mga doktor sa Pilipinas, dapat nang ikabahala ang lumolobong kaso ng dengue sa bansa.

BASAHIN: Lumolobong dengue cases sa Pilipinas, dapat nang ikaalarma

"Yes, dapat tayo na maalarma," pahayag ni dating Philippine Medical Association (PMA) president Benito Atienza, sa ginanap na Laging Handa public briefing nitong Hulyo 4.

Katwiran nito, mas maraming binawian ng buhay sa dengue kumpara sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Singapore.

“Kaya dapat po tayong mag-ingat ngayon. Dapat po tayong mabahala kung ating mga anak o kahit po matanda, kahit nurse, kahit sino po, ay pwedeng magka-dengue sa panahon ngayon. At saka lagi po natin tandaan na wala pong pinipili ang dengue sa edad kahit po six months lang, meron po kaming ganon,” ani Atienza.