Sususpendihin ang mga empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nambabastos ng mga humihingi ng tulong sa ahensya.

Ito ang banta ni DSWD Secretary Erwiun Tulfo nang dumalo ito sa unang flag-raising ceremony nito sa ahensya nitong Lunes.

Aniya, dapat na tratuhin nang maayos at huwag balewalain ang mga taong lumalapit sa DSWD.

"Dahil po ang mahihirap 'yang mga lumalapit po sa atin, mga single mom, matatanda, PWDs, may mga sakit, mga katutubo, mga batang palaboy o inabandona, ay mga kliyente at customer po ng ahensyang ito. 'Di po natin sila puwedeng balewalain at bastusin na lang,” panawagan ni Tulfo sa mga kawani ng DSWD.

National

'Kakasa ka ba?': VP Sara, hinamon ni Rep. Khonghun na magpa-lie detector test

Kaagad naman itong nag-viral sa social media kung saan umani ng mga positibong reaksyon.

Kamakailan, nangako si Tulfo na bababa ito sa puwesto kung hindi nito magampanan ang kanyang tungkulin sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon.