Posibleng pumasok pa sa Philippine area of responsibility (PAR) ang aabot sa 15 na bagyo ngayong 2022, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa pahayag ni Climate Monitoring chief Ana Solis ng PAGASA, inaasahang tig-tatlong bagyo ang papasok ng bansa sa Hulyo, Agosto, Setyembre at Nobyembre.

Asahan naman ang pagpasok ng dalawang sama ng panahon sa Oktubre at isa naman sa Disyembre.

Sa pagtaya ng ahensya, karamihan ng papasok na bagyo sa Philippine area of responsibility (PAR) mula Hulyo hanggang Setyembre ay tatawid ng Luzon, habang ang iba ay tutumbukin ang Taiwan o Japan.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Lilihis din ang iba at tatahakin ang Pacific Ocean, ayon sa PAGASA.

Kabilang sa mga inaasahang sama ng panahon ang Domeng, Ester, Florita, Gardo, Henry, Inday, Josie, Karding, Luis, Maymay, Neneng, Obet, Paeng, Queenie, at Rosal.