Malaki ang gampanin ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto sa larang ng edukasyon. Mas lalo pa itong kinapitan ng mga guro at edukador nang maganap na nga ang pandemya at walang mapamilian ang lahat kundi buksan ang sarili sa ideya ng bagong modality ng pagtuturo kagaya ng online learning, modular learning, o kaya naman ay blended learning.

Isa sa mga sumikat na inobasyong pang-edukasyon at teknolohiya ang "ETUlay".

“We have to come up with creative ways in modernizing our education system and it will require the upgrade of learning delivery through the full and creative use of technology in the digital age. This ETULay initiative is one of the many steps being taken by DepEd to ensure that this transformation happens for the benefit of our learners,” saad ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones sa isang panayam.

“The lessons are delivered in tutoring format while guiding how to answer exercises and explaining the details of the lesson. Not strict in the structure of classroom format kasi tutoring lang talaga siya. [Ang] concept [na ito ay] ginawa lang online ang pagtututor. We use StreamYard and broadcast it via Facebook and Youtube para mabalikan ulit ng mga late viewers,” paliwanag naman ni ICTS-EdTech Unit Head Mark Anthony Sy.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

No description available.
Mark Anthony Sy (Larawan mula kay Mark Anthony Jamisal)

Upang mas mapalawig pa ang tungkol dito, mapalad na nakapanayam ng Balita Online ang gurong si Mark Anthony Jamisal, 39 anyos, mula sa Antipolo City na isang Master Teacher II. Siya ang Senior EdTech Specialist, DepEd ETUlay Project Lead, DepEd ETU Microsoft for Education, Project Lead, at isa ring DepEd TV Teacher Broadcaster. Siya umano ang nakaisip ng word coinage na "ETUlay" para sa kanilang proyekto.

No description available.
Larawan mula kay Mark Anthony Jamisal

Ano nga ba ang ETUlay?

"Ang ETUlay ay mula sa pinagsamang acronym ng ETU or EdTech Unit at Tulay. Kapag pinagsama is to bridge. Ito ay bahagi ng DepEd Online project kung saan may volunteer tutors na tumutulong sa pagsagot ng mga module at mahihirap na konsepto.

Ito ay nag-ooffer ng academic subjects mula K-12. Meron din itong mga special programs gaya ng morning habit na kinapapalooban ng all is wellness, reading remediation, Math remediation and storytelling."

"May mga special programs rin sa hapon na puwedeng panoorin ng lahat gaya ng speech class, financial literacy, mommy TechTalks, Arts & calligraphy at marami pang iba. May SPEd program, ALIVE and ALS program din para sa inclusive education."

Nag-umpisa umano ang proyektong ito noong Enero 4, 2021. Unang naging tutor nito ay si Sy na sinundan ni Jamisal na EdTech specialist, na naging Project Lead ng programang ETUlay.

Dahil sa delayed ang episodes sa DEpEd TV, naisip ni Sy na kailangang may programang sumasabay sa kung ano ang itinuturo sa field. Naisip niya ang ideya ng Online Tutorial at dahil siya mismo noon ay naging tutor sa pribadong paaralan.

Inatasan niya si Jamisal na mag-isip ng pangalan at programa para dito. Naisip ni Jamisal na pagsamahin ang ETU (educational technology unit) at tulay (bridge) kaya nabuo ang ETUlay. Mula sa isang tutor, umabot na sa 382 ang volunteer tutors sa kasalukuyan.

No description available.
Larawan mula kay Mark Anthony Jamisal

No description available.
Larawan mula kay Mark Anthony Jamisal

No description available.
Larawan mula kay Mark Anthony Jamisal

Sino-sino ang mga tumulong sa kanila upang maisagawa at maging matagumpay ang proyektong ito?

"Nag-umpisa sa mga miyembro ng EdTech unit hanggang na-tap rin ang mga DepEd TV Teacher broadcasters at mga referrals. Nagkaroon din ng application kung saan umaaboy ng kulang 2k ang nag-apply."

Pagdating naman sa pondo, "Wala pong funding ang DepEd ETUlay dahil ito ay bayanihan ng mga guro."

Hindi lamang sa Pilipinas napuri at kinilala ang inobasyong ito kundi maging international. Ang program ay nailahad sa isang international webinar sa Indonesia na pinuri rin ng participants nito.

No description available.
Larawan mula kay Mark Anthony Jamisal

Bakit kailangan ito bilang innovation sa pagtuturo lalo na sa K-12 program at pandemya?

"Kinailangan ito bilang supplementary o suporta sa learning modality ng mga mag-aaral, ito man ay modular, online o blended. Ang mga mag aaral ay maaaring manood ng live o mag team reply (asynchronous). Ang mga guro ay ginagamit din ang mga past episodes ng ETUlay para sa karagdagang kaalaman sa kanilang itinuturong aralin," dagdag pa ni Jamisal.

Masasabing ang achievements nito ay pagpapakita ng pagbabayanihan ng lahat ng mga miyembro ng Kagawaran ng Edukasyon mula sa DepED OUA sa pamumuno ni Usec Alain Del B. Pascua, Director Abram YC Abanil, Director IV ICTS

Mr. Mark Anthony C. Sy, Head ng DepEd EdTech, volunteer tutors, mga magulang, mga guro at school administrators na nagbayanihan para ma-ETUlay ang pagkatuto ng kabataang Pilipino.