Iginiit ni outgoing National Security Adviser Hermogenes Esperon na dapat ay samahan pa ng ibang hakbang ang diplomatic protest na inihain ng Pilipinas laban sa China hinggil sa mga insidente sa West Philippine Sea (WPS) kamakailan.
Ipinaliwanag ni Esperon, nararapat na maipakita ng Pilipinas sa buong mundo ang iba pang hakbang nito laban sa China upang maipaglaban ang soberanya nito sa WPS.
“Hindi naman madadala 'yan sa 280 na protests. We simply have to assert ourselves by way of diplomatic action or what are other instruments of national power—military, informational, economic, political and legal, intelligence, and we might include the people’s support,” pagdidiin ni Esperon.
Sa kasalukuyan, mahigit na sa 200 diplomatic protest ang naisampa na ng bansa laban sa China.
Huling naghain ng kahalintulad na protesta ang Pilipinas noong Marso matapos dumagsa ang mga Chinese fishing vessel sa Julian Felipe Reef na saklaw pa ngexclusive economic zone (EEZ) ng bansa.
Ang problema aniya ay malaking hamon saadministrasyon ni President-elect Marcos, Jr
“With China, we also have trade. Other economic matters, tourism, defense, cultural exchanges. So kalilimutan na ba natin yun dahil mayroon tayong hindi pagkakaunaawaan diyan sa South China Sea?” dagdag pa ni Esperon.