Naluha na lang dahil sa dismaya ang dog breeder na si Carina Jimenez Suarez matapos tanggihan umano ng adopter at ng katulong nito ang alaga niyang aso na si Solli.

Sa Facebook post ni Suarez, ibinahagi nito na naging malungkot ang araw nito noong Hunyo 9 dahil inilibing niya ang kanyang namayapang pomeranian sinundan naman niya ito ng pagbyahe ng ilang kilometro para dalhin si Solli sa adopter sana nito ngunit hindi nagustuhan ni Suarez ang naging pakikitungo ng mga ito sa kanyang aso.

"I got lost looking for the house. It was a big modern house. A quite very unwelcoming househelp talked to me and said she know nothing of a dog to be adopted. After 30 minutes of trying to call the adopter who suddenly will not reply to my calls or message, she sent a text asking if I am at the house (I asked the helper to call her)," ani Suarez.

"In front of me, the helper said, "who will take care of Solli? I won't take care of that. You take care of that."

Human-Interest

WFH employee, nagbigay-pugay sa supportive niyang ina: 'Dahil pala sa kaniya...'

Then Steph, the adopter, said, How old is he? Why big?" dagdag pa ng breeder.

Ani Suarez, nagpadala siya ng mga larawan at mga detalye bago makumpirma ang pag-aampon kay Solli.

Naramdaman ni Suarez ang pagkabalisa, at nakita niya ang kanyang alaga na hindi man lang sumulyap sa adopter mula sa loob ng pickup, kaya naman nagpasya na siyang huwag nang ituloy ang pagpapaampon kay Solli.

Aniya, "I hugged and kissed Solli, saying sorry and that we are going home. Rejection is not easy to deal with after a loss of a beloved pom. We do not deserve this."

Kinabukasan rin naman, inampon na si Solli ng isang adopter na nag-ampon na rin ng mga alaga ni Suarez na isang amputee aspin puppy Arianna aka Baninay at senior blind shih tzu Gidget.

Panatag naman na si Suarez na nasa mabuting pangangalaga si Solli at iba pa nitong aso.

"Solli did not ran away from her and allowed her to touch and hold her. It was a good sign. I can rest easy knowing Solli will be in good hands and the best home like my previous rescues who are still alive and well after all these years," ani Suarez.