Mahigit sa 120,000 healthcare workers ang hindi pa nakatatanggap ng One Covid-19 Allowance (OCA), ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pahayag ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega, ang nasabing bilang ay kabilang sa 526,727 healthcare workers.

Sa 526,727 healthcare workers, 400,000 na ang nabigyan ng OCA mula sa gobyerno kamakailan.

Inilabas ni Vega ang pahayag bilang tugon sa pahayag ni Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) president Dr. Jose de Grano nitong Huwebes na karamihan ng pribadong ospital ay hindi pa nakatatanggap ng OCA sa kabila ng pahayag ng DOH at ng Department of Budget and Management (DBM) na nailabas na ang pondo.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang DOH sa PHAPI hinggil sa listahan ng mga ospital na mayroong mga healthcare workers na wala pang natatanggap na OCA.

“Napag-usapan po namin kahapon kung puwede ibigay ni President Rene de Grano ‘yung list ng mga hospitals na hindi pa nakatatanggap para ma-coordinate at mabigyan ng tugon. Okay naman, sabi niya ibibigay niya,” anito.

Matatandaangnaglaanang DBM ng P7.2 bilyong budget para sa Covid-19 allowance ng mga healthcare workers na nagtatrabaho sa pampublikoat pribadong ospital.