Naglabas ng saloobin ang veteran broadcast journalist na si Karen Davila matapos ibalita ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao na hindi pa makukulong ang driver ng sports utility vehicle (SUV) na sumagasa sa security guard na si Christian Joseph Floralde sa Mandaluyong noong Hunyo 5.
Sa tweet ni Davila, sinabi nitong nakakabahala ang ginawa ng PNP na nagpa-presscon pa sa driver na si Jose Antonio Sanvicente at hinayaang makalaya.
"This is so disturbing on so many levels. Suspect admits to running over the security guard as seen on viral video, holds a presscon with the PNP and lets him walk free," ani Davila.
"Since when is a hit and run not a crime?" dagdag pa nito.
Nag-reply naman si outgoing Senate President Vicente "Tito" Sotto III kay Davila at sinabi nitong dapat ay ipa-drug test agad ang suspek.
BASAHIN: Driver ng SUV na sumagasa ng sekyu sa Mandaluyong, sumuko na!
Pagtatanggol ni Danao Jr., hindi na maaaring isailalim sa inquest proceedings si Sanvicente dahil lumipas na ang panahon para dito.
Kung titignan kasi ang alituntunin, tanging ang mga taong nahuli nang walang warrant ang maaaring isailalim sa inquest proceeding.
Sa ilalim ng mga patakaran, ang isang walang warrant na pag-aresto ay maaari lamang gawin kung ang tao ay gagawa, gagawa, o nakagawa lamang ng isang krimen. Dahil 10 araw na ang lumipas mula nang gawin ang dapat na krimen, hindi na madakip si Sanvicente.
Nangangahulugan ito na makukulong lamang si Sanvicente kung makakita ang prosekusyon ng probable cause at magsampa ng kaso sa Regional Trial Court, na maglalabas ng utos ng pag-aresto laban sa suspek.