Minamadali na ngLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng₱6,500 fuel subsidy para sa mga driver ng public utility vehicle (PUV) sa gitna ng pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa.
Binigyang-diin nl LTFRB executive director Tina Cassion, inihahanda na nila ang lahat ng papeles para sa pagpapalabas ng second tranche ng subsidiya na inaasahang ipamamahagi sa huling bahagi ng Hunyo o unang linggo ng Hulyo.
Nagawa na aniya ng Land Bank of the Philippines ang lahat ng card para sa Pantawid Pasada Program ng gobyerno.
Nauna nang naiulat na aabot sa 377,000 benepisyaryo ang naghihintay na mabigyan ng subsidiya mula sa naturang programang pinondohan ng₱5 bilyon.
Kabilang din sa makikinabang sa subsidiya ang mga tricycle driver at operator, at delivery riders.
Kamakailan, nagrereklamo ang mga driver ng pampublikong sasakyan dahil sa liit ng kanilang kinikita bunsod na rin ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.