Sinampahan ng kasong frustrated murder ng Mandaluyong City police ang driver ng isang sports utility vehicle (SUV) na sumagasa sa isang security guard sa Mandaluyong City nitong Linggo ng hapon.

"Nagsampa na po tayo ng kaso doon sa nagmamay-ari ng sasakyan kasi nag antay tayo kung meron na lalabas na pagsu-surrender ng driver ng sasakyan na ito kaso wala po. So pinursue na natin yung pagpa-file ng kaso against the owner of this vehicle. So nasa fiscal's office na ang kaso," ani hepe ng pulisya ng lungsod, Col. Gauvin Mel Unos, sa isang panayam sa telebisyon nitong Martes.

Sinabi rin ni Unos na tinitingnan nila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga security guard ng Ayala Heights Subdivision sa Old Balara, Quezon City na tinanggihan silang pumasok sa address ng may-ari ng SUV.

"It was early morning on June 6, around 5 a.m., when we located the house of the person involved in the accident. Our investigator tried to enter but the security guards refused," ani Col. Unos sa Filipino.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ani Unos, inaalam pa nila kung ang may-ari ng SUV na kinilalang si Jose Antonio San Vicente, ang nagmamaneho ng sasakyan noon.

"We still don't have direct evidence that he was driving the vehicle during that time," sabi ni Unos.

Matatandaan na pinatawan na ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 days suspension ang lisensya ng may-ari ng SUV.

BASAHIN: Lisensya ng may-ari ng SUV na sumagasa ng sekyu sa Mandaluyong, sinuspindi

Sa show cause order ni LTO-Intelligence and Investigation Division (IID) officer-in-charge Renante Melitante nitong Hunyo 6, bukod sa may-ari ng sasakyan, inatasan din ang driver ng nasabing SUV na sumagasa kay Christian Floralde na sumipot sa isasagawang imbestigasyon sa Martes, Hunyo 7 kaugnay ng insidente.

Bigo naman ang suspek na humarap sa LTO - National Capital Region kung saan siya ipinatawag.

Sinabi ni LTO-NCR director Clarence Guinto na ang lisensya ng SUV driver ay suspendido ng 90 araw, at maaaring bawiin depende sa desisyon ng board. Na-reset ang pagdinig sa hindi pa natukoy na petsa.

Ang show cause order ay natanggap na ng may-ari ng SUV, ayon kay Guinto.

Samantala, kasalukuyang naospital at sumasailalim sa obserbasyon ang biktimang si Christian Joseph Floralde dahil sa kanyang matinding pinsala.