Isang maanghang na tweet ang pinakawalan ni DJ Mo Twister laban sa 31 milyong botanteng pumabor kay President-elect Bongbong Marcos Jr sa nakaraang halalan.

Sa isang tweet nitong Huwebes, walang pagpipili ng salita ang tweet ng radio DJ ukol sa landslide votes na natanggap ni BBM.

Sa pinakahuling tala ng server mula sa Comission on Election (Comelec) sa bilang ng mga boto, nangunguna pa rin si Marcos Jr. sa botong 31,104,175 laban kay Vice President Leni Robredo na may 14,822,051 boto.

“Understand, there is no strength in numbers when all of you are stupid,” saad ni Mo.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

https://twitter.com/djmotwister/status/1527137472035037185

Umani naman ito ng sari-saring reaksyon sa mga netizens kabilang ang pagtutol ng ilang tagasuporta ni Marcos Jr sa pahayag.

“Kung maka-stupid, move on oy. Kamo na lng unta nag presidente total smart man mo. Toxic giatay,” payo ng isang Twitter account na hindi nagustuhan ang saad ng DJ.

“Asan kaya yun 31M? I can't even find a handful of them. Because it's not true,” tila pagtataka naman ng isang netizen sa nasabing bilang.

“Sila lang naniniwala na 31M sila, that’s obviously a bloated figure,” segunda ng isa pa.

“Another ampalaya spotted!!!” depensa naman ng isang tagasuporta ni Marcos Jr.

Si Mo ay hayagan at kilalang kritikal na personalidad kay BBM at sa mga tagasuporta nito.

Basahin: DJ Mo Twister sa bashers na kumudang wala raw siyang ambag: ‘Wala… and I’m not running for President!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Isa rin ang radio personality sa mga sumita kay Marcos Jr. sa pagtanggi na makapanayam ng midya at makaharap sa mga pampublikong debate noong panahon ng kampanya.

Basahin: Mo Twister, may patutsada: ‘BBM doesn’t want to go to debates because he’s never been to a job interview’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid