Sa wakas, nakakuha rin ng gintong medalya ang Pilipinas sa judo sa pagpapatuloy ng 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam nitong Huwebes.

Nahablot ni Rena Furukawa ang medalya matapos na pamunuan angwomen's -57 kg event.

Pinadapa nito siChu Myat Noe Wai ng Myanmar sa finals ng kanilang weight division.

Bukod kay Furukawa, nanalo rin ng silver medal ang katambal na si Keisei Nakano nang patumbahin si Iksan Apriyadi ng Indonesia, sa men's -73 kg.

Bukod sa bronze medal: Elijah Cole, kinakiligan sa face card pati 'pangalan' niya

Nagdagdag din ng silver medal si Jon Viron Ferrermen's -90kg event.