NEGROS ORIENTAL -Isa pang pinaghihinalaang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People's Army (CPP-NPA) ang napatay matapos makasagupa ng grupo nito ang mga sundalo sa Sibulan ng lalawigan nitong Huwebes ng umaga.

Sa panayam, kinilala ni Phiippine Army-1th Infantry Battalion (IB) commanding officer Lt. Col. Roderick Salayo, ang napatay na si

Jonard Salo, alyas Lino/Rapid/Nikko, Team 2 leader ng remnants ng South East Front (SEF) ng CPP-NPA.

Ang bangkay ni Salo ay natagpuan ng mga sundalo sa Sitio Tulong, Brgy. Enrique Villanueva Sibulan, dakong 8:00 ng umaga.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nauna nang nakasagupa ng grupo ni Salo ang tropa ng pamahalaan at matapos ang 15 minuto ay tumakas ang mga ito.

Gayunman, hinabol pa rin sila ng mga sundalo hanggang sa matagpuan ang bangkay ni Salo hindi kalayuan mula sa encounter site matapos pabayaan ng mga kasamahan nito.

Nadiskubre rin ng militar ang taguan ng mga armas ng mga rebelde. Kabilang sa mga narekober na armas ang isangM14 rifle, isang M16A1 rifle, isang KG-9 rifle, isang homemade shotgun, tatlong rifle grenades, limang improvised explosive devices/anti-personnel mines, 10 piraso ng bala ng shotgun, limang magazine, apat na M203 grenade launchers at ilang personal na gamit ng mga rebelde.

PNA