Kabilang ang mga election workers na magbibigay ng kanilang serbisyo sa May 9 National and local elections, sa 12 indibidwal na huhugasan ng paa ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa Huwebes Santo, Abril 14.
Sa pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kabilang sa mga huhugasan ng paa ay dalawang miyembro ng Electoral Board at tatlong opisyal ng Commission on Elections (Comelec).
Kasama rin ang tatlong first time voters, tatlong miyembro ng poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRC) at isang journalist.
Batay sa tradisyon, nagdaraos ang Simbahang Katolika ng banal na misa tuwing Huwebes Santo, na tinatawag na Mass of the Lord's Supper.
Bahagi nito ang ritwal ng Washing of the Feet, bilang simbolo nang ginawang paghuhugas ni Hesus sa mga paa ng kanyang mga apostol bago siya ipako sa Krus.