Umabot na sa 48 na residente ng Baybay City sa Leyte ang naiulat na namatay dahil sa bagyong 'Agaton' kamakailan.

Ito ang naiulatBaybay City information officer Marissa Cano at pinagbatayan ang datos na inilabas ng CityCity Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).

Sa nasabing bilang, 14 ang naitalang namatay sa BarangayMailhi, 10 sa Kantagnos, 12 sa Bunga, tatlo sa San Agustin, tig-dalawa sa Maypatay atPangasugan, at tig-iisaa sa Candadam, Poblacion Zone 21, Higcop, Can-ipa, at Igang.

Sa 48 na nasawi, 37 ang natabunan ng makapal na putik dulot ng landslide, ayon naman saNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Naiulat din ng CDRRMO ang 27 na nawawala mula sa Brgy.Bunga, Brgy. Can-ipa at Brgy. Guadalupe at 105 na nasugatan sa paghagupit ng bagyo nitong Abril 10-11.

Sinabi pa ng CDRRMO na lubog pa sa tubig-baha ang Brgy. Gaas Section, Villa Solidaridad, Kan-ipa, Amguhan, Punra, Kantagnos, Bunga, Mailhi, Bubon at Gacat.