Nahaharap na ngayon sa mga kasong kriminal ang limang pulis at iba pang kasabwat sa pagdukot umano sa isang master agent ng online cockfighting (e-sabong) sa San Pablo, Laguna, noong nakaraang taon.
Ang mga kasong paglabag sa Article 267 ng Revised Penal Code o Kidnapping at Serious Illegal Detention ay iniharap ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Department of Justice (DOJ) nitong Lunes 30 ng hapon.
Kabilang sa mga kinasuhan sina Lt. Henry Sasaluya; SSgt. Daryl Paghangaan; Patrolman Roy Navarete; MSgt. Michael Claveria; Patrolman Regil Brosas; at ilang kasamahang hindi pa nakikilala.
Nag-ugat ang kaso sa pag-kidnap umano kay Ricardo Lasco, isang master agent ng e-sabong sa San Pablo, Laguna noong Agosto 2021.
Kinasuhan din ang mga ito ng pagnanakaw dahil sa pagtangay umano sa pera at mga alahas ng biktima na aabot sa ₱700,000.