Sa pagpupuntong ang track record ang mas dapat na suriin, hindi lang pangalan ng kandidato, nagpahayag ng suporta si Nuelle Duterte, malapit na kaanak ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte, para sa kandidatura ni Vice Presidential candidate Sen. Kiko Pangilinan.

“I think [the Pangilinan’s campaign battle cry] would be really relevant especially in Mindanao, not just Davao, because there’s a lot of farmlands, a lot of agricultural lands there. In that sense, his advocacies and his work are relevant to the people of Mindanao,”ani Nuelle sa naganap na virtual meeting ng Filipino-Americans nitong Linggo, Abril 10.

Naniniwala si Duterte na ang “Hello Pagkain, Goodbye Gutom”na adbokasiya ni Pangilinan ay mahalagang programa para sa Mindanao na bagaman ay mayaman sa ilang agrikultural na produkto ay nananatiling mahirap sa aspeto ng pamumuhay.

Dagdag niya, hindi lang pangalan ng kandidato ang dapat na suriin sa halalan bagkus maging ang kanilang mga ginawa bago pa ang eleksyon, kanilang pinag-aralan at mga adbokasiyang nais nilang isulong sa pampublikong opisina.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“It’s important to look at the plans of candidates, to look at not only their work history and their educational history. But to look at what they want to do, what they want to give, what they want to advocate. And in terms of that, it has to be concrete and properly laid out,”aniya.

Isang psychiatrist, nauna nang sinabi ni Duterte na ang pamilya ng Pangulo kabilang sina Sara, Pulong, at Baste ay may “sense of entitlement” sa mga puwestong hinahawakan nito sa gobyerno.

Dagdag niya, “It can be a bad thing because it is the only career path that they look at as possible for them. And that they are not able to explore other areas in their lives.”

Samantala, matapos lumabas sa balita ang kanyang opisyal na pag-endorso kay Pangilan, isang pabirong saad ang binitawan ng doktor na Duterte.

“Itatakwil na ako nang todo,” aniya na mababasa sa kanyang caption sa isang shared Facebook post.

Ilang mga followers naman niya ang nagpahayag ng suporta sa kanyang naging pasya.