Nakaalerto na ang puwersa ngNational Capital Region Police Office (NCRPO) nitong Lunes bilang paghahanda sa ilalatag na seguridad sa Mahal na Araw.

Ito ang kinumpirma ni NCRPOchief, Maj. Gen. Felipe Natividad at sinabing kabilang sa babantayan ng pulisya ang mga kinukumpulankatulad ng shopping mall at simbahan, mga vital installations, katulad ng bus termi, paliparan at daungan.

Inatasan na rin ni Natividad angManila Police District, Quezon City Police District, Northern Police District, Southern Police District, at Eastern Police District na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa panahon ng Semana Santa.

“Kapag nitong Semana Santa,we are on full alert. They will be deployed 24/7doon nga po sa mga lugar na sinabi koand of coursemay tinatawag tayo naenhanced managing police operations.'Yung mga lugar na alam natin na talagang may kadalasan may nangyayaring mga krimen diyan talaga tayo nagde-deployng mas maraming tao,” paglalahad nito sa isang pagpupulong nitong Lunes.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Patuloy pa rin aniya ang pagbabantay ng pulisya kahit walang na-monitor na banta upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

"We have not received any threat at the same time we are not bringing down our guardskaya nga tayo nagde-deployng ating mga pulis sa mga lugar nabanggit ko para mapanatili pa rin po natin 'yung pag-iingat,” sabi pa nito.

PNA