Bumuwelta si Kapamilya star Angelica Panganiban sa isang basher na umokray sa kaniya sa pamamagitan ng tweet noong Abril 4, 2022.

Nauna nang sinabi ni Angge na magpapahinga muna siya sa showbiz dahil sa pagbubuntis sa panganay na anak nila ng non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/20/magiging-ganap-na-ina-na-po-ako-angelica-kinumpirma-ang-pregnancy-rumors/">https://balita.net.ph/2022/03/20/magiging-ganap-na-ina-na-po-ako-angelica-kinumpirma-ang-pregnancy-rumors/

Hahahaha. Okay lang 'yan. Mabuti nga at marami naman akong nagawang projects. Marami kayong pwede balikbalikan. Balato n'yo na sa akin ang buhay ko ngayon .30 years naman na ko sa inyo!" saad ni Angge sa isang tweet noong Marso 29, sa isang tagahanga na nagsabing mamimiss daw niya ang versatile actress.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Screengrab mula sa Twitter/Angelica Panganiban

Pero may isang basher na nagsabing tama naman daw iyon para maalagaan niya ang magiging anak upang maging mabuting tao ito, at para hindi raw puro 'magnanakaw' ang lumalabas sa bibig ng aktres.

"Tama 'yan magpahinga ka na lang at mag-alaga ng magiging anak n'yo… para malaman mo kung paano maging mabuting tao hindi yung puro ka 'magnanakaw' ang sinasabi ng bibig mo!" banat ng basher.

Buwelta naman ni Angge, "Sana ikaw rin maaral mo kung paano maging mabuting tao. Hindi yung affected ka sa salitang magnanakaw.."

Screengrab mula sa Twitter/Angelica Panganiban

Matatandaang naitampok si Angelica sa isang campaign video tungkol sa pagpili ng tamang kandidato, na may tagline na huwag sa magnanakaw at huwag magpapabudol.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/02/wise-voting-campaign-ni-angelica-na-idinaan-sa-love-hugot-umani-ng-ibat-ibang-reaksyon/">https://balita.net.ph/2022/02/02/wise-voting-campaign-ni-angelica-na-idinaan-sa-love-hugot-umani-ng-ibat-ibang-reaksyona>/

Makalipas ang ilang araw, lumabas naman ang parody video ni Juliana Parizcova Segovia.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/03/vincentiments-naglabas-ng-parody-sa-campaign-video-ni-angelica-panganiban/">https://balita.net.ph/2022/02/03/vincentiments-naglabas-ng-parody-sa-campaign-video-ni-angelica-panganiban/