Nahalungkat ng netizens ang isang larawan sa opisyal na Facebook page ni Presidential hopeful at Vice President Leni Robredo mula pa noong 2014 kung saan isang bata ang ka-look-alike umano ng running mate nitong si Sen. Kiko Pangilinan.

Sa pagnanais ng mga tagasuporta ni Robredo na ipakita ang resibo ng mga nagawa ni Robredo bago pa ito naging bise-presidente, nakagawian nang halungkatin ng Kakampinks ang mga larawan sa official Facebook page nito.

Isang partikular na larawan ng batang tumatanggap ng bag at payong ang umagaw sa pansin ng netizens na anila’y kamukha raw ni Sen. Kiko Pangilinan. Dahil dito, ilang nakakaaliw na komento ang agad na mababasa sa naturang larawan.

“Hindi mo aakalain na may Masters na yan sa Harvard? Sen. Kiko!!” nakakaaliw na saad ng isang netizen.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Sinong mag aakala na yung bata na yan magiging running mate nya sa future,” segunda ng isa pa.

May pa-story time pang nabuo ang isang netizen.

“A kid was given a backpack by Leni Robredo and told him, “Mag-aral ka nang mabuti para sa bayan”. He was so astounded by the kindness, compassion, and dedication of this woman and said to himself, “She’s my idol”.

“Years later, that kid grew up to be a public servant. His name is Senator Kiko Pangilinan, Leni Robredo’s running mate.”

Kasunod ng panalasa ng isang bagyo noong 2014 pa nakunan ang naturang larawan nang mamahagi si Robredo ng school supplies sa mga bata sa kanyang distrito sa Brgy. San Roque Communal, Ocampo sa Camarines Sur

Ito’y programa sa ilalim ng Jesse M. Robredo’s Foundation sa pakikipagtulungan ng Vicente and Juanita Hao Chin Chua Foundation.

Maliban sa naging katuwaan ng mga Kakampink ang larawan, dagdag na resibo daw umano ito sa dati pang dedikasyon ni Robredo sa pagtulong sa mga mahihirap na komunidad.