Inendorso ng faction ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) nitong Miyerkules, Marso 30, ang presidential bid ni Aksyon Demokratiko standard bearer at Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

Pinagtibay ni PFP chairman Abubakar Mangelen, isa ring commissioner ng National Commission on Muslim Affairs, ang pag-endorso ng PFP sa pamamagitan ng pagbabasa ng resolusyon sa grand rally ni Domagoso sa Iligan City Public Plaza. 

Sa lahat ng kandidato sa pagka-pangulo, si Domagoso lamang ang nagpakita ng taos-pusong pagpapahalaga sa mga problema ng mga Bangsamoro at ng buong Mindanao, ayon kay Mangelen.

“Wala kaming napili kundi ang ating butihing kaibigan na si Mayor Isko Moreno. Bakit? Dahil si Mayor Isko Moreno pa lang ang nagkilala sa Moro heritage at pati ‘yung mga problema ng mga Mindanaoan," ani Mangelen.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Binanggit din ni Mangelen na ang pagtatayo ni Domagoso ng Islamic Cemetery sa Maynila ay isa rin sa mga dahilan kung bakit nagpasya ang PFP na iendorso ang alkalde ng Maynila.

“Siya lang ‘yung mayor sa tagal ng panahon sa Manila, na nagpalit-palit ng mayor sa Manila, siya lang ‘yung mayor na nagbigay ng lupa para po sa sementeryo ng Muslim. Palakpakan natin si Mayor Isko Moreno!" dagdag pa niya.

“Domagoso is most aligned and attuned to the needs of the Filipino people, especially those on marginalized status of living," ayon pa sa wing.