Permanente na ang ipinatutupad na 4-day work week scheme sa pamahalaan, ayon sa Civil Service Commission (CSC) nitong Huwebes.

Paglilinaw ni CSC Commissioner Aileen Lizada, dapat na sumunod sa sistema ang lahat ng government agencykahit pagkatapos ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

Kinonsulta na rin aniya nila ang iba pang ahensya ng gobyerno, katulad ngDepartment of Information and Communications Technology (DICT) at National Privacy Commission kaugnay ng bagong sistema.

Bukod dito, pinaplano pa rin aniya ng CSC ang iba pang alternating work arrangement, katulad ngwork-from-home scheme.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Aniya, pagpupulungan pa ang petsa ng pagsisimula ng naturang bagong work setup.

Noong 2020, nanawagan ang CSC sa gobyerno na magpatupad ng alternative work scheme dahil na rin sa pandemya.