Halos 4,000 residente ang lumikas na matapos maapektuhan ng pag-aalburoto ng Taal Volcano, ayon saNational Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa datos ng NDRRMC, aabot na sa 3,850 na indibidwalmula sa 14 na barangay sa Agoncillo at Laurel sa Batangas ang kasalukuyang nananatili sa iba't ibang evacuation site habang hindi pa kumakalmaang bulkan.

Nakakalat na rin ang 113 pulis sa mga lugar na apekto ng pagputok ng bulkan upang magbantay laban sa mga magnanakaw.

Sa kasalukuyan, isinailalim pa rin sa Alert Level 3 ang sitwasyon ng bulkan matapos maitala ang phreatomagmatic burst nitong Sabado na sinabayan ng pagbuga ng makapal na abo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nauna nang inihayag ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum na malapit nang abutin ng magma ang ibabaw ng bulkan at posibleng magdulot ito ng hazardous eruption sa mga susunod na linggo.

Pinaplano na rin ng Phivolcs na ipairal ang 8-kilometer permanent danger zone (PDZ) mula sa bulkan dahil sa walang tigil na pag-aalburoto nito.